SamSuka
Edgar Calabia Samar
Edgar Calabia Samar

patreon


Ibang Klase #1: Ano Talaga ang Gusto Natin?

Mapagpalayang araw sa inyong lahat! Kumusta na kayo? Kumusta ka na?

Magustuhan n'yo sana ang tampok natin ngayong linggo na unang panayam para sa ating Ibang Klase na nagsisilbi ring pambungad sa seryeng ito ng pagtuturo ko ng panitikan, kung ano ba ang ibig sabihin nito, kung paano natin maaaring basahin at bigyang-kahulugan ang mga teksto, at kung paano tayo ginagabayan ng mismong pagbabasa sa pagtukoy sa kung ano ang mahalaga. Bawat klase ay gagamit ako ng isang akdang pampanitikan bilang lunsaran o sentro ng pagtalakay. Sa pambungad na klaseng ito na pinamagatan kong "Ano Talaga ang Gusto Natin?," ginamit ko bilang lunsaran ang "Dito," salin ko sa tula ni Shuntarō Tanikawa.

Tulad dati, huwag sana ninyo itong i-upload sa ibang bahagi ng internet o basta ipadala sa iba. Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta at i-like n'yo sana ang post na ito kung nagustuhan ninyo, o mag-iwan din sana kayo ng mga comment. At para mas magabayan din ako kung anong uri ng content ang mas gusto ninyong makita rito sa Santinakpan, alin sa mga seryeng ito ang gusto ninyong gawin ko para sa Disyembre 22: Artsibong Atisan, TALArchives, Pinoy Komiks, o Pagsusulat 101? Susundin natin ang may pinakamaraming comment sa ibaba para sa alinman sa mga seryeng ito.

At gaya ng dati, kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa pagsusulat o pagbabasa ng panitikan, o mga bagay na gusto ninyong talakayin ko sa alinman sa mga akda ko, tulad ng seryeng Janus Sílang, ipadala lang ninyo sa akin at susubukin kong sagutin ang mga iyan sa ibang serye sa mga susunod na linggo!

Laging kulang ang pasasalamat!

Ibang Klase #1: Ano Talaga ang Gusto Natin?

More Creators